(Blog entry ko noong Blog Action Day 2008, Ocrt 15 yata yun. About poverty)
1. Bumagsak ka sa isang exam. MAHIRAP kasi eh.
2. Walang makain ang kaklase mo. MAHIRAP kasi siya eh.
Kung susuriin, ang pagiging MAHIRAP ng isang bagay o tao ay iniuugnay sa KAKULANGAN. Kulang sa kaalaman. Kulang sa pera.. Yan ang dahilan ng PAGHIHIRAP, o DIFFICULTY.
At ano pa? Ang PAGHIHIRAP ay maaaring magbigay-DUSA. Dahil mahirap ang exam at kulang ka sa kaalaman, babagsak ka ngayon. Dahil mahirap ang buhay at kulang ka sa pera, gugutumin ka ngayon. DUSA!
E kung ganon, edi sobra naman ang KAKULANGAN sa mundo! Tignan mo pa lang ang mga pulubi, alam mo nang may kulang sa kanila (damit, edukasyon, maayos na tirahan, at marami pang iba). Sa Pilipinas pa lang iyan. Paano pa ang mga naghihirap sa buong mundo?
Hindi mo na kinakailangang makita ang statistics, facts, and figures para malaman na maraming NAGHIHIRAP at NAGDURUSA sakanilang araw-araw na pamumuhay. Nakikita mo na ang ebidensya ng harap-harapan sa oras na magmulat ka ng mata sa iyong kapaligiran.
Kung madaming KULANG, pano natin ito susulusyonan upang maging SAPAT ang lahat?
Una sa lahat, HINDI magiging SAPAT ang lahat. (Economics: Resources are Limited)
Marami ang taong nakatira sa mundo. At bawat isa ay naglalayong umunlad ang kanilang pamumuhay. Hindi kaya ng mundo na maibigay sa tao ang KAWALANG DUSA. Nasa tao iyon, dahil habang nakahahanap ito ng KULANG, hindi magiging SAPAT ang kahit ano.
Pangalawa, may KAPALIT ang lahat. (Economics: “There’s no such thing as free lunch”)
Kung nais mong makakuha, halimbawa, ng mataas na grado, magsunog ka ng kilay dahil hindi mo makukuha ito nang walang KAHIRAP-HIRAP. Kung nais mong makahanap ng trabaho, kailangan mong maghanap. Hindi mo ito mahahanap ng WALANG GINAGAWA.
Kung ganon, habang buhay na lang ba tayong MAGHIHIRAP?
Ang sagot: Oo. Parte ng buhay ng tao ang maghirap at tahakin ang mababatong mga daan. Iyon nga lang, mas mababato ang daan na tinatahak ng karamihan. Iilan lamang ang nabiyayaan ng mas patag na daan para lakaran. Ang misyon ngayon ng tao? Hanapin ang daan na mas makapag-bibigay sa kanya ng ginhawa. Nagawa na ito ng libo-libong tao na binago ang kanilang kapalaran para umunlad. The people who made the difference, ika nga, sa iba’t ibang larangang pinag-tuunan nila ng kanilang buhay.
Sa SAPAT NA AKSYON nagsisimula ang mga storya ng tagumpay. Ang marami sa kanila na binuhat ang sari-sariling krus (at pati krus pa ng iba) ay nagsisilbing inspirasyon sa mga nabubuhay ngayon.
Hindi rason ang malaking PAGKUKULANG sa kagamitan o hindi SAPAT na mga katangian upang manatili kang NAGDURUSA. Niregaluhan tayo ng Panginoon ng ”free will”. At MAYAMAN o MAHIRAP ka man, pare-pareho tayong binigyan ng patas na tiyansa upang MABUHAY. Sa iyo na nakasalalay kung paano mo ipaghuhusay ang biyayang ito.
No comments:
Post a Comment